Babae patay nang mabangga ng motorsiklo sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Apr 11 2021 01:01 PM

Patay ang isang 52 taong gulang na babae matapos mabangga ng motorsiklo sa bayan ng Cabatuan, Iloilo, gabi ng Sabado.

Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, naglalakad sa gilid ng kalsada sa Barangay Bacan ang biktimang si Alma Arsenia nang banggain ng motorsiklo.

Napag-alamang nasa impluwensiya umano ng alak ang driver ng motorsiklo at masyadong mabilis ang pagpapatakbo nito.

Ayon pa sa pulisya, posibleng hindi nakita ng suspek ang babaeng naglalakad dahil madilim sa pinangyarihan ng insidente.

Nasa kustodiya ng Cabatuan police ang motorcycle rider na nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide.

– Ulat ni Rolen Escaniel

FROM THE ARCHIVES:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.