‘Baon na sa utang’: Ayuda apela ng mga kutsero, tour guide sa gitna ng pandemya | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

‘Baon na sa utang’: Ayuda apela ng mga kutsero, tour guide sa gitna ng pandemya

‘Baon na sa utang’: Ayuda apela ng mga kutsero, tour guide sa gitna ng pandemya

ABS-CBN News

 | 

Updated May 29, 2020 08:46 PM PHT

Clipboard

Aabot sa 30 kutsero ang nahinto sa trabahong pagdadala sa mga banyaga sa tourist sports sa lungsod ng Maynila. ABS-CBN News

MAYNILA - Sa halip na damo, soya na lang na may maraming tubig ang ginagawang pagkain sa kabayo ng kutserong si Temiong Cortez.

Kinakapos na raw kasi siya sa budget mula noong mag-lockdown, dala ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Kabilang siya sa 30 kutsero ang nahinto sa trabahong pagdadala sa mga banyaga sa tourist spots sa lungsod ng Maynila.

Ang naitabi umano niyang pera ngayon, said na rin para sa kaniyang pamilya.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

Lubog na raw siya sa utang sa inuupahang kuwadra ng kaniyang kabayo, na aabot sa P10,000.

“Sana matulungan naman kami rito,” aniya.

Ganoon din ang problema ng mga kapwa niyang kutsero na tinagurianng mga community guide at cultural worker.

Aabot din sa 100 tour guide sa bansa ang problemado rin. Ang iba, nawalan ng trabaho noong Enero pa lang, dala ng pag-alboroto ng Taal.

“Sa Taal pa lang, ang masakit parang di kami napapansin ng gobyerno. Zero income kami ilang buwan na,” ani Marianito Malacaman, isang tour guide.

Gaya ni Cortez, baon din sa utang ang tour guide na si Stella Cordoba.

"Gumigising na lang ako by the day para mag-isip paano kaya ako gagawa ng pera. Paano ko iko-continue yung kotse o una necessity sa bahay kasi ang mama ko 89 years old pag once na may mangyari sa nanay ko kailangan ko itakbo sa ospital," aniya.

MAIRAOS LANG

Ang iba, tulad ng Russian-speaking tour guide na si Al, suma-sideline bilang karpintero.

Pansamantalang nanilbihang delivery boy naman ang Corregidor Island tour guide na si Mar.

Ang cultural heritage tour guide sa Intramuros na si JB Quemado, naging tindero muna ng kwek kwek at street food.

Nakahanap man ng pagkakakitaan, apela nila na huwag silang kalimutan ng gobyerno sa kanilang pagsilbi sa bayan.

“Walang kaming Natangap na ayuda sa mga barangay, yung mga relief,” ani Quemado.

— Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.