2 umano'y holdaper, patay sa QC

ABS-CBN News

Posted at May 29 2018 11:58 AM

MANILA - Patay ang 2 hindi pa nakikilalang holdaper at sugatan naman ang isang pulis sa engkuwentro sa Barangay Batasan Hills sa Quezon City.

Ayon sa pulisya, nagkaroon ng habulan matapos makatanggap ang mga pulis ng reklamong panghoholdap.

Kuwento ng babaeng biktima, bumibili siya sa isang burger stand sa Filinvest 2 sa Quezon City nang may lumapit na mga lalaki at nagdeklara ng panghoholdap. Tinangay ng mga suspek ang kaniyang bag.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo pero nahabol sila ng mga rumespondeng pulis at nagkapalitan ng putok na ikinamatay ng mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.