Ina at kapatid ng alkalde sa Misamis Oriental, nakuhanan ng armas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ina at kapatid ng alkalde sa Misamis Oriental, nakuhanan ng armas

Ina at kapatid ng alkalde sa Misamis Oriental, nakuhanan ng armas

Joey Yecyec,

ABS-CBN News

Clipboard

Nakuhanan ng iba't ibang uri ng armas ang ina at kapatid ni Claveria Mayor Meraluna Salvaleon sa Barangay Malagana, sa kaniyang bayan sa Misamis Oriental Martes ng madaling araw.

Sa bisa ng search warrant, ni-raid ng Criminal Investigation and Detection Group Region 10 ang bahay ni Gertrudes at Reggan Salvaleon, ang ina at kapatid ng alkalde.

Nakompiska ang isang kalibre-.45 baril, KG-9 submachine gun, at mga bala mula sa 2 lalaking nagsisilbing guwardiya ng pamilya.

Depensa ng alkalde, nagsisilbing guwardiya sa pamilya ang 2 lalaking tauhan ng kaniyang ina. Nakatanggap umano ang pamilya ng banta sa kanilang buhay dahil sa alitan sa lupa.

ADVERTISEMENT

Ayon kay CIDG 10 officer-in-charge Lt.-Col. Raymund Liguden, nakatanggap sila ng impormasyon na may mga armas ang pamilya.

"Wala naman silang security-guard license na hawak para magsilbi na private security guard sa kanila. So this confirms now na 'yung una naming report na merong armed group elements doon sa lugar," paliwanag ni Liguden.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition at Omnibus Election Code dahil sa gun ban ang mag-inang Salvaleon at ang 2 guwardiya nila.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.