Bata nalunod sa ilog; kapatid na 2 anyos, nakaligtas | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bata nalunod sa ilog; kapatid na 2 anyos, nakaligtas

ABS-CBN News
Published May 27, 2021 02:39 AM PHT

KORONADAL CITY - Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 4-taong gulang na bata matapos itong malunod sa ilog sa Purok Riverside, Barangay Topland, Koronadal City nitong Miyerkoles.

Nailigtas naman ang 2-taong gulang niyang kapatid na kasama niyang naligo sa ilog.

Sa panayam sa ina ng mga bata na si Analy, ipinagkatiwala niya ang kanyang dalawang anak sa kanyang kapatid dahil nagtatrabaho siya bilang harvester sa kalapit na bayan sa Surallah, South Cotabato.

Kuwento ni Analy, naliligo ang kanyang mga anak kasama ang mga pinsan sa ilog, habang naglalaba naman ang kanyang kapatid. Hindi na raw nito namalayan na nawawala na ang dalawang bata.

ADVERTISEMENT
Natagpuan na lang na nagpalutang-lutang ang apat na taong gulang na bata, habang natagpuan sa gilid ng ilog ang kapatid nitong naisugod pa sa pagamutan.

Panawagan ngayon ng punong barangay na si Angelica Bermil, na bantayan ang mga batang naliligo sa nasabing ilog.

- ulat ni Chat Ansagay
FROM THE ARCHIVES
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT