Ilang lugar sa Davao City, binaha | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Ilang lugar sa Davao City, binaha

Ilang lugar sa Davao City, binaha

Benie Boy Angchay,

ABS-CBN News

Clipboard

DAVAO CITY – Binaha ang ilang lugar sa lungsod matapos bumuhos ang malakas na ulan dahil sa localized thunderstorms, Biyernes ng gabi.

Agad na nag-monitor ang mga kawani ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council sa Balusong river sa Barangay Matina Crossing para maabisuhan agad ang mga residente kung kailangan na nilang lumikas.

Marami ang na-stranded sa KM.6 dahil nag-overflow ang tubig baha sa tulay na pansamantalang dinadaanan ng mga sasakyan.

Ang ilang motorista at residente, sumulong na lang sa tubig baha para makauwi sa kanilang bahay.

ADVERTISEMENT

Taong 2011 nang 30 ang namatay sa nangyaring flashflood sa Matina Pangi.

Sa Quirino corner Jacinto Street naman, binaha rin ang kalsada kaya nahirapan makadaan ang mga sasakyan.

Namatayan din ng makina ang ilang tricycle sa Marfori Heights at pinasok ng tubig baha ang ilang tindahan.

Nangako na ang mga konsehal sa Davao at si Vice Mayor- elect Sebastian Duterte na tututukan ang problema sa drainage sa lungsod para maiwasan na ang pagbaha.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.