66 pulis-ARMM, sumailalim sa SWAT training | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

66 pulis-ARMM, sumailalim sa SWAT training

66 pulis-ARMM, sumailalim sa SWAT training

ABS-CBN News

Clipboard

Mula sa Police Regional Office - Autonomous Region in Muslim Mindanao

MAGUINDANAO - Nagtapos nitong Martes ang 66 na pulis sa kauna-unahang Special Weapon and Tactics (Swat) training sa Parang, Maguindanao.

Sumailalim sa 45 araw ng matinding pagsasanay ang mga pulis mula sa Police Regional Office - Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO-ARMM).

Kabilang dito ang marksmanship, explosives and ordinance handling, hostage negotiation, at close quarter battle.

Isa sa mga sumabak sa training ay si Senior Insp. Lendle Langkit ng Regional Mobile Force Battalion.

ADVERTISEMENT

Dati na siyang na-deploy sa kasagsagan ng operasyon sa Mamasapano, Maguindanao at Butig, Lanao del Sur.

"Ang challenging 'yung sa EOD (explosive ordinance disposal) kasi lahat kami first time," aniya.

"Marami kaming natutunan hindi lang sa skills, but teamwork 'yung paano magtrabaho as a team."

Ayon sa PRO-ARMM, mahalagang masanay sa SWAT training ang mga pulis, may banta man sa seguridad o wala.

Sakaling kakailanganin, ang mga pulis na sumailalim sa SWAT training ang ipapadala sa mga emergency at special operations.

"Sila ang quick response natin if ever magkaroon ng emergency situations. Sila ang outmost trained personnel," ani Senior Insp. Jemar delos Santos, tagapagsalita ng PRO-ARMM.

"If ever magkaroon ng another terrorist attack, just like what happened in Marawi, we have a special force." - ulat ni Arianne Apatan, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.