Putukan, paubos na pagkain, tinatakasan ng sibilyan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Putukan, paubos na pagkain, tinatakasan ng sibilyan

ABS-CBN News
Published May 25, 2017 07:15 PM PHT
|
Updated May 25, 2017 11:29 PM PHT

Patuloy ang paglikas ng mga residente ng Marawi dahil sa kapos na supply ng pagkain at inuming tubig, at sa takot sa tuloy-tuloy na opensiba ng gobyerno laban sa grupong Maute.

Ayon sa lokal na pamahalaan, 90-95% ng mga residente ay lumikas na sa mga kalapit na lugar at munisipyo, kagaya ng Iligan City at Cagayan de Oro City. Karamihan sa mga naiwan ay mga padre de pamilya o ang mga na-trap din dahil sa may mga kasapi ng Maute na nagbabantay.

Sarado ang mga tindahan at suspendido ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno dahil umiiral ang takot sa lungsod at may manaka-nakang mga putukan doon, ayon kay Marawi City Mayor Majul Gandamra.

"'Yung mga establishments ay nagsara so that's the reason why ang consequence po ay medyo yung mga basic needs ng ating mga kababayan...nahihirapan sila na magbigyan ng basic needs, gaya ng araw-araw na kakainin nila, tubig, goods," ani Mayor Gandamra.

Paglikas papunta sa Iligan, CDO, Iloilo
Hindi madali para sa mga residente ang lumikas mula sa Marawi City dahil sa presensiya ng mga grupong Maute at sa pagsasara ng mga kalsada.

Ang ilan ay gumamit na ng bangka upang lumuwas mula Marawi.

"We are evacuating from Marawi. Pray for us. Using boat. We are with little kids and more than 100 passengers. National roads are being closed. We have no choice," ayon sa isang residente.

May ilang mga pamilya naman ang nakarating na sa Iligan City, Cagayan de Oro, at Iloilo upang makatakas mula sa bakbakan sa Marawi.

Kasama rito ang pitong pamilya o 41 indibidwal na nakarating na sa Iligan City National School of Fisheries Multipurpose Hall sa Buruun, Iligan. Nabigyan na rin sila ng pagkain at atensiyong medikal ng Red Cross.

Mga estudyante, guro ng MSU
Higit 100 na estudyante't guro na galing sa Mindanao State University main campus sa Marawi ang nakikituloy sa MSU sa Iligan City.

Ang estudyanteng si Nor Azim, mangiyak-ngiyak habang ikinukuwento ang naging karanasan nila. Ayon sa kanya, hindi napasok ng Maute group ang main campus pero dinig nila ang putukan.

Ayon pa kay Azim, marami pa siyang kaibigang naiwan doon sa Marawi.

Ikinalungkot din niya ang nangyaring bakbakan dahil maaaring sa loob na ng campus siya magdiwang ng Ramadan kasama ang ilang kaklase.

Ang ilang estudyanteng lumikas naman ay uuwi muna sa kani-kanilang probinsya.
Ang ilang estudyanteng lumikas naman ay uuwi muna sa kani-kanilang probinsya.
ADVERTISEMENT
Biglaang paglikas
Samantala, tanging mga damit na lang ang bitbit nina Norkisa Lucman at ng kanyang asawa't apat na anak nang lumikas sa Marawi.
Kuwento nila, nakarinig sila ng malalakas na putok nang pumasok ang Maute Group sa lungsod. Nagtago na lang sila sa loob ng kanilang bahay at hinintay ang mga kaanak na tutulong sa kanila sa paglikas.

Nagpalipas ng magdamag sa evacuation center ang pamilya Lucman pero umalis din kanina kasama ang kanilang mga kaanak.

Nagdulot naman ng matinding trapiko sa mga kalsada papuntang Iligan City nang tatlong magkakasunod na araw ang paglikas ng mga residente.

Hotel, napupuno
Sa Cagayan de Oro, fully-booked na ang isang hotel dahil doon nagtungo ang ilang mga lumikas sa Marawi.

Ayon sa residenteng si Aya Ali, nababahala sila sa kanilang mga kaanak na naiwan dahil sarado ang mga tindahan at malapit na ang ramadan.

May mga gusto ring maghatid ng tulong sa Marawi pero hindi makapasok dahil mahigpit ang seguridad sa daan.

Iniwan naman ni Mang Maluag ang kanyang bahay at negosyo sa Marawi dahil sa takot.

Makikitira muna siya sa kanyang kapatid sa Cagayan de Oro bago dumiretso sa Cotabato.

Sabi pa niya, walang naihahatid na mabuti ang Maute Group at binulabog lamang nito ang nananahimik na mga sibilyan.

Sa Iloilo city, nababahala na rin ang ilang Maranao para sa kaligtasan ng kanilang mga kaanak na naipit sa gulo.
Sa Iloilo city, nababahala na rin ang ilang Maranao para sa kaligtasan ng kanilang mga kaanak na naipit sa gulo.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Jerry Macala, tagapagsalita ng Iloilo United Muslims Community, nais sirain ng Maute group ang mapayapang pamumuhay ng marawi city.

Tulong ng gobyerno
Tuloy-tuloy naman ang dating ng tulong mula sa Coast Guard, Department of Social Welfare and Development, at iba pang mga lokal na pamahalaan para sa mga lumikas na taga-Marawi.

Naglayag na ang isang barko ng Philippine Coast Guard papuntang Port of Iligan sa Mindanao upang magbigay ng higit 10,000 relief packs sa mga residenteng apektado ng bakbakan sa Marawi.

Naglalaman ito ng bigas, de lata, at kape. Mayroon ding mga padalang hygiene kits, banig, at kumot para sa mga nananatili sa mga evacuation center.

BRP Batangas na may dalang 10,000 relief packs, nakaalis na ng Maynila at patungong Iligan; BRP Pampanga, tutulak din sa lugar |@RonLopezPH pic.twitter.com/0J1hgmoxBu
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) May 24, 2017

Naghahanda na rin ang Visayas Disaster Response Center ng DSWD-7 ng ipadadalang 10,000 relief packs. Sisimulan itong ipadala sa hapon ng Huwebes, at maaaring makarating sa Lanao del Sur bukas ng hapon.

Humigit kumulang 300 sako ng bigas, 50 kahon ng sardinas, at 50 kahon ng noodles ang ipadadala ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga City sa Iligan City ngayong Huwebes gamit ang Navy Boat.

Ang donasyong ito ay tulong nila sa kanilang 'sister city' bilang bahagi ng kanilang 'sisterhood agreement' sa Marawi noong 2015, ani Elmeir Apolinario, ang City Disaster Risk Reduction and Management Officer ng Zamboanga.

Dagdag pa niya, agaran ding nagpaabot ng tulong sa Zamboanga ang ilang lungsod sa Mindanao sa kasagsagan naman ng Zamboanga siege noong 2013.

Ayon naman kay Captain Joan Petinglay, tagapagsalita ng Western Mindanao Command, bukas sa anumang uri ng tulong ang Camp Navarro sa Upper Calarian para sa sinumang nais magbigay ng donasyon.

Ang AFP ang mangangasiwa sa transportasyon ng mga relief goods bilang bahagi ng kanilang humanitarian aid.

-- Ulat nina Angelo Andrade, Ron Gagalac, Ron Lopez, Zyann Ambrosio, Chai Tabunaway, Cris Andrade, at Jude Torres, ABS-CBN News
Read More:
tagalog news
Patrolph
marawi
marawiclash
evacuation
dswd
philippine coast guard
department of social welfare and development
MarawiClash
TV PATROL
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT