Barko ng relief goods, naglayag na pa-Mindanao | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Barko ng relief goods, naglayag na pa-Mindanao

Barko ng relief goods, naglayag na pa-Mindanao

Ron Lopez,

ABS-CBN News

Clipboard

Tumulak Huwebes ng umaga ang isang barko ng Philippine Coast Guard papuntang Port of Iligan sa Mindanao, para magbigay ng relief goods sa mga residenteng apektado ng bakbakan sa pagitan ng mga teroristang grupo at pwersa ng gobyerno.

Pumutok ang engkuwentro Martes nang kubkubin ng bandidong grupo na Abu Sayyaf at Maute ang ilang gusali sa Marawi City, Lanao del Sur.

Kasabay ng paghupa ng bakbakan nitong Miyerkules, nagsimulang lumikas ang mga residente mula sa Marawi patungo sa mga karatig-lungsod ng Cagayan de Oro at Iligan.

Ayon kay PCG spokesman Commander Armand Balilo, 3 truck o 10,000 relief packs mula sa Department of Social Welfare and Development ang lulan ng BRP Batangas na patungong Mindanao.

ADVERTISEMENT

Laman ng bawat food pack ang 5 kilo ng bigas, 8 de lata at isang pack ng kape.

Dagdag ni Balilo, may dala rin ang ang barko na non-food items gaya ng hygiene kits, mga banig at kumot para sa mga lumikas o nananatili sa mga evacuation centers.

Aabutin ng 18 oras ang biyahe ng barko.

Pagdating sa Iligan, magsisilbi ang BRP Batangas bilang floating hospital para sa mga residente habang tutulong naman sa maritime security ang ilang sakay nitong PCG officers.

Una nang tumulak sa Mindanao Miyerkules ang BRP Malabrigo, lulan ang mga tropa ng PCG na tutulong sa operational security sa Mindanao na isinailalim na sa batas militar.

Muling pinaalala ng pamahalaan na maaaring tumuloy ang mga nagsilikas na pamilya sa mga sumusunod na lugar:

- Lanao del Sur provincial capitol sa Buadi Sacayo, Marawi City;
- Poblacion barangay hall sa Saguiaran, Lanao del Sur;
- School of Fisheries sa Buru-un, Iligan City sa Lanao del Norte; at
- Daycare Center sa Barangay Pacalundo, Baloi sa Lanao del Norte.

-- May ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.