Ilang bahagi ng Davao de Oro, Davao del Sur binaha | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Ilang bahagi ng Davao de Oro, Davao del Sur binaha

Ilang bahagi ng Davao de Oro, Davao del Sur binaha

ABS-CBN News

Clipboard

Binaha ang ilang bahagi ng Davao region noong Mayo 23, 2021 dahil sa walang tigil na pag-ulan. Screengrab mula sa video ni Chris Nalua

Binaha ang ilang bahagi ng Davao de Oro at Davao del Sur noong Linggo dahil sa thunderstorms.

Sa bayan ng Pantukan sa Davao de Oro, umapaw ang Kingking River at nagpabaha sa mga residenteng nakatira malapit sa ilog.

Nasa 20 residente ang kinailangang ilikas.

Sa bayan ng Magsaysay, umapaw rin ang Bulatukan River kaya binaha ang mga bahay, ilang babuyan at mga pananim.

ADVERTISEMENT

Sa Davao Oriental naman, nailigtas ang 4 na residenteng na-trap sa gitna ng ilog.

Naliligo umano ang grupo sa Bitan-Agan River sa Mati City nang umapaw ang ilog dahil sa bumagsak na ulan mula sa bundok.

Masuwerte umano ang 4 na nakakapit sila sa nabuwal na puno ng niyog at nailigtas ng rescuers.

— Ulat ni Hernel Tocmo

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.