2 Chinese na biktima ng illegal detention, nasagip sa Pampanga | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 Chinese na biktima ng illegal detention, nasagip sa Pampanga

2 Chinese na biktima ng illegal detention, nasagip sa Pampanga

ABS-CBN News

Clipboard

Nasagip ng awtoridad ang dalawang Chinese national na ilegal na ikinulong sa isang hotel sa Angeles City, Pampanga nitong Linggo.

Ayon kay PCapt. Nijel Sanoy, hepe ng Angeles City Field Unit ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 3, nag-ugat ang operasyon sa sumbong ng kapatid ng isa sa mga biktima na sapilitan silang dinala sa isang hotel at ikinulong ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek.

"Nagpasaklolo 'yung biktima na nasa loob...good thing may kapatid sa labas 'yung isa, 'yun po 'yung nagreport sa opisina natin," aniya.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nag-apply sa Pasay City ang isa mga biktima bilang isang make-up artist, pero iba na ang nangyari habang ipinoproseso umano ang aplikasyon nila.

ADVERTISEMENT

"Ni-recruit nila 'yung isang victim natin, nag-apply kasi ng trabaho, kaso 'yung trabaho na in-apply-an niya iba pala, ang pinalabas ng mga suspek, dadalhin kasi ipapa-swab test, eh 'yun pala dinala hanggang Angeles which is hindi naman daw 'yun ang napagkasunduan, tapos ikinulong na sila, tapos 'yung isa may pasa," dagdag pa ni Sanoy.

Isang 25 anyos na babae at isang 26 anyos na lalaki ang mga biktima na pawang Chinese nationals. Inaresto naman ang 3 kapwa nila Chinese nationals na dinatnan sa hotel.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong Serious Illegal Detention at paglabag sa Republic Act 10364 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2012.

- ulat ni Gracie Rutao

FROM THE ARCHIVES

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.