Bangko sa La Union, nilooban

Micaella Ilao, ABS-CBN News

Posted at May 24 2019 02:42 PM

Hinala ng awtoridad na matagal nang naghuhukay ang mga kawatan para makapasok sa bangko. Larawan mula kay Albert Manangan

BAUANG, La Union – Isang bangko ang nilooban ng mga kawatan sa bayang ito, Biyernes ng umaga.

Ipinagbigay-alam lamang sa awtoridad ang pangyayari matapos na makita ng isa sa mga empleyado ng bangko ang malaking butas sa sahig kung saan hinihinalang dumaan ang mga kawatan.

Ayon sa pulisya, posible raw na matagal nang naghuhukay ang mga kawatan para makapasok sa bangko.

Hindi pa tiyak kung gaano kalaki ang nakuhang pera mula sa vault na sinira ng mga kawatan.

Nakuha rin sa butas ang mga bloke ng kahoy na posibleng ginamit sa paghuhukay.

Dagdag pa ng pulisya, walang CCTV, guwardiya at alarm ang bangko.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng awtoridad.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.