Anak ng barangay chairman sa Tondo nakuhanan ng droga, baril

ABS-CBN News

Posted at May 24 2019 04:20 PM

MAYNILA - Arestado ang anak ng isang barangay chairman sa Tondo, Maynila sa ikinasang operasyon ng pulisya nitong Biyernes ng madaling araw.

Inihain ng National Capital Region Police Office-Drug Enforcement Unit (NCRPO-DEU) ang search warrant laban sa 38 anyos na lalaki sa kaniyang bahay pasado alas-4 ng madaling araw. 

Ang ama ng suspek ay isang chairman sa Barangay 228 sa naturang lugar. 

Nakuha sa bahay ng suspek ang apat na sachet ng hinihinalang shabu na nasa P340,000 ang halaga.

Nakumpiska rin sa kaniya ang isang shotgun na may mga bala.

Ayon kay Police Maj. Ferdinand Mendoza, hepe ng NCRPO-DEU, matagal nang under surveillance ang suspek dahil sa umano’y pagtutulak niya ng droga.

—Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.