2 cargo vessel na may kargang isda, lamang dagat, nasabat ng Coast Guard | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 cargo vessel na may kargang isda, lamang dagat, nasabat ng Coast Guard

2 cargo vessel na may kargang isda, lamang dagat, nasabat ng Coast Guard

Dexter Ganibe,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 24, 2019 03:41 AM PHT

Clipboard

MAYNILA - Nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Coast Guard, Philippine National Police-Maritime Group at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang kahon-kahong mga isda at iba pang lamang dagat mula sa dalawang cargo vessel sa Delpan Wharf sa Parola Compound sa Tondo Huwebes.

Ayon kay Lieutenant Mizar Cumbe, hepe ng Coast Guard Delpan, pinigil nila ang mga nasabing kargamento na nasa 128 cooler box mula sa mga barko nang ito ay dumaong sa nasabing pantalan matapos maglayag mula sa Corregidor Island.

Nauna dito, sakay ng Multi Mission Off Shore Vessel at BRP Lapu-Lapu ang pwersa ng Coast Guard, PNP at BFAR at nagsagawa ng pag-sample ng mga isdang hinihinalang nahuli sa ilegal na pamamaraan sa Corregidor.

Nang magpositibo ang unang sinuring kahon ay sinundan na ng awtoridad ang MB Jemma at MV Princess Christine hanggang makadaong sa Delpan Wharf.

ADVERTISEMENT

Ipinaubaya na ng Coast Guard sa BFAR ang pagsasagawa ng eksaminasyon sa kahon-kahong isda kung nahuli lahat ito sa pamamagitan ng pagdidinamita.

Ang BFAR na rin ang siyang magsasampa ng kaukulang kaso sa mga responsable.

Nabatid na inarkila lang ang dalawang barko para ibiyahe ang mga nahuling isda.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.