Isnaberong taxi drivers, hinuli ng LTFRB sa Mandaluyong | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Isnaberong taxi drivers, hinuli ng LTFRB sa Mandaluyong

ABS-CBN News
Published May 24, 2018 05:57 PM PHT

Hinuli ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Miyerkoles ng gabi ang ilang drayber ng taxi na tumangging magsakay ng pasahero sa Mandaluyong City.

Pitong drayber ng taxi ang nahuli ng LTFRB sa mas pinaigting na operasyon ng ahensiya kontra kolorum na mga pampasaherong sasakyan.

Kasama ng LTFRB sa kanilang operasyon ang Highway Patrol Group (HPG).

Depensa ng isa sa mga nahuli, nakarehistro umano siya sa transport network vehicle service (TNVS) na Grab ngunit nabisto ng LTFRB wala pala siyang Grab app.

Tinanggihan ng isang taxi driver ang mga taga-LTFRB na nagpanggap na sasakay dahil may susunduin na umano siya sa transport app.
Nang nagpakilala ang LTFRB, walang maipakitang app ang driver at nakiusap na pakawalan siya, pero di pinagbigyan. pic.twitter.com/DfZg3SnATT
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) May 23, 2018

"Alam kong bawal ho pero nagkataon. Ako'y humihingi ng kaunting pakiusap...nagkakamali lang po," ani Jay Magculang, nahuling taxi driver.

Nakatakas naman umano ang isang pribadong sasakyan na nag-alok ng sakay sa halagang P800.

Nakatakas naman sa HPG ang isang pampribadong kotse na nagprisintang magsakay ng mga tauhan ng LTFRB na naghahanap ng taxi. Naningil ang driver sa kanila ng P800 para sa biyaheng Mandaluyong-Taytay. pic.twitter.com/G2ihnpnuZr
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) May 23, 2018
Nakatakas naman sa HPG ang isang pampribadong kotse na nagprisintang magsakay ng mga tauhan ng LTFRB na naghahanap ng taxi. Naningil ang driver sa kanila ng P800 para sa biyaheng Mandaluyong-Taytay. pic.twitter.com/G2ihnpnuZr
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) May 23, 2018
Magmumulta ang mga nahuling drayber ng P5,000. Mai-impound din ang kani-kanilang taxi.

Mahaharap naman sa multang P120,000 ang mga operator ng taxi.

"Kailangan nating disiplinahin. Kung sino unang pumara [ay] iyon ang isasakay [dapat]," ani LTFRB Board Member Aileen Lizada.

-- Ulat ni Anjo Bagaiosan, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Anjo Bagaiosan
Land Transportation Franchising and Regulatory Board
LTFRB
Highway Patrol Group
HPG
taxi
taxi drivers
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT