'LTO fixer' arestado sa Quezon City | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'LTO fixer' arestado sa Quezon City
'LTO fixer' arestado sa Quezon City
ABS-CBN News
Published May 23, 2019 02:26 PM PHT

Naaresto ng pulisya noong Miyerkoles ang isang babaeng "fixer" ng mga transaksiyon sa Land Transportation Office (LTO).

Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Police Maj. Gen. Guillermo Eleazar ang suspek bilang si Lita Galera, 43.

Sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong estafa, hinuli ng NCRPO Regional Special Operations Unit (RSOU) si Galera sa Barangay Pinyahan bandang 4:15 ng hapon, ayon sa ulat ng pulisya.

Nag-ugat ang operasyon sa reklamo ni alyas "Ina," na lumapit umano kay Galera noong Setyembre 2009 para sa mabilisang pagproseso ng mga prangkisa ng mga taxi nito.

Nagbayad si "Ina" ng napagkasunduang halaga pero hindi raw naibigay ng suspek ang mga prangkisa at tinangay ang pera, ayon sa pulisya.

Mananatili sa kustodiya ng NCRPO-RSOU ang suspek habang naghihintay ng utos mula sa korteng naglabas ng warrant laban sa kaniya, ayon sa pulisya. --Ulat ni Jaehwa Bernardo, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
krimen
estafa
fixer
Land Transportation Office
Quezon City
National Capital Region Police Office
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT