SAPUL SA CCTV: Kawatan, ninakaw ang motor sa loob ng isang minuto | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

SAPUL SA CCTV: Kawatan, ninakaw ang motor sa loob ng isang minuto

SAPUL SA CCTV: Kawatan, ninakaw ang motor sa loob ng isang minuto

Doland Castro,

ABS-CBN News

Clipboard

Natangay ng isang magnanakaw sa loob ng isang minuto ang isang motorsiklong nakaparada sa Timog Avenue, Quezon City nitong Martes.

Sa kuha ng CCTV, makikitang magka-angkas ang dalawang lalaking sakay ng isang motorsiklo sa Tomas Morato, Quezon City.

Ilang minuto pa, huminto sila sa lugar na ito sa Timog Avenue. Bumaba ang isang lalaki at agad nagtungo sa hilera ng mga nakaparadang motorsiklo.

Wala pang isang minuto ang nakalilipas, natangay na ang motorsiklo ng biktima na ayaw magpakilala.

ADVERTISEMENT

Masama ang loob ng biktima lalo’t hinuhulugan pa niya ang ipinundar na motor.

"Nagulat po dahil may kandado po iyon eh, sana po mahuli sila at marekober pa ang motor ko kung kaya,” aniya.

Pinag-aaralan na ng Quezon City Police District (QCPD) kung iisang grupo lamang ang tumatangay ng mga motor sa lungsod.

Kamakailan lamang ay may natangay din na motorsiklo sa Barangay Central, Quezon City.

ADVERTISEMENT

David D'Angelo on political dynasties: 'Babasagin natin yan' | Harapan 2025

David D'Angelo on political dynasties: 'Babasagin natin yan' | Harapan 2025

Kevin Alabaso,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Senatorial candidate David D'Angelo said abolishing political dynasties should be "self-executory," highlighting the need for a change in the people in power since it's "not their priority" to abolish dynasties. — Harapan 2025 | February 7, 2025

Full Harapan episode:



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.