Paslit namatay nang mabagsakan ng goal post sa Silay City | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paslit namatay nang mabagsakan ng goal post sa Silay City

Marty Go,
ABS-CBN News
Published May 22, 2019 05:45 PM PHT

SILAY CITY – Namatay ang isang 4 anyos na batang babae matapos na aksidenteng madaganan ng bumagsak na football goal post, Lunes ng hapon.

Naglalaro umano si Regene Gumban kasama ang iba pang mga bata sa football field nang maganap ang aksidente.

Ayon kay Rosshelle Alvarez, may mga bata daw na umakyat sa goal post kaya’t natumba ito. Nakahiga naman sa damuhan si Gumban nang madaganan ng bakal.

Agad na dinala sa ospital ang bata pero binawian na rin ng buhay.
Agad na dinala sa ospital ang bata pero binawian na rin ng buhay.
ADVERTISEMENT
Nasa bahay naman si Telie, ina ng bata, at naghahanda ng ibebentang kangkong nang mangyari ang aksidente. Sabi niya, umalis ng bahay ang bata para maghanap ng mga bulaklak para sa Flores de Mayo.

Pinapaimbestigahan na ng lokal na pamahalaan ang pangyayari pero para kay Mayor Mark Golez, isang aksidente ito at wala namang dapat na sisihin.

Nangako namang magbibigay ng financial assistance ang Silay City sa pamilya ng bata habang nag-abiso na rin ang pulisya sa mga magulang na hindi dapat pabayaan ang kanilang mga anak.