KILALANIN: Mga nagwaging senador sa #Halalan2019 | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KILALANIN: Mga nagwaging senador sa #Halalan2019

ABS-CBN News
Published May 22, 2019 01:06 PM PHT
|
Updated May 22, 2019 08:58 PM PHT

MAYNILA — Naiproklama na ngayong umaga ng Miyerkoles ang mga nanalo sa pagkasenador sa halalan noong Mayo 13, na pawang mga pambato ng administrasyon at ilang independent.

Base sa final at official results na inilabas ng Commission on Elections (Comelec), nanguna ang reelectionist na si Cynthia Villar na nakakuha ng 25,283,727 boto.

Sinundan siya ng kapwa-reelectionist at independent bet na si Grace Poe na nakakuha ng 22,029,788 boto.

Ani Poe, gagamitin niya ang kaniyang pagiging independent candidate sa pagsasalita ukol sa mga bagay na sa tingin niya ay kailangang baguhin sa administrasyon.

ADVERTISEMENT
"Bilang independent candidate, kung makakatulong sa administrasyon tutulungan natin. Pero sa tingin ko, panahon na rin na 'pag meron tayong nakikita na maaring baguhin natin ay magsalita," ani Poe.

Namayagpag naman sa ika-3 puwesto si dating Special Assistant to the President Christopher "Bong" Go matapos makakuha ng 20,657,702 boto.

Ani Go, layon niyang unahin ang kalusugan at edukasyon sa kaniyang mga plataporma.

Pinabulaanan din ni Go na magiging sunud-sunuran sila sa mga kautusan ng pangulo.

"Mukha ba akong rubberstamp? Mas magiging madali nga ngayon kasi ako ang tulay, maiiwasan ang mga veto-veto," ani Go.

Matapos manilbihan sa Kamara, balik-Senado si Pia Cayetano na may 19,789,019 boto sa ika-4 na puwesto.

Si dating Philippine National Police chief Ronald "Bato" Dela Rosa naman ang nasa ika-5 puwesto na may 19,004,225 boto.

Ang reelectionist na si Sonny Angara ang nasa ika-6 na puwesto na may 18,161,862 boto.

Ang aktor na si Lito Lapid ang nasa ika-7 na puwesto matapos makakuha ng 16,965,464 boto.

Nakakuha naman ng 15,882,628 boto si Imee Marcos na nasa ika-8 na puwesto.

Sinundan siya ni dating Presidential Adviser at Metropolitan Manila Development Authority chief Francis Tolentino na nasa ika-9 puwesto matapos makakuha ng 15,510,026 boto.

Sumunod naman sina dating Senate President Koko Pimentel na may 14,668,665 boto at sinundan siya ni Bong Revilla na may 14,624,445 boto.

Nakilala ang kampanya ni Revilla ngayong halalan sa kaniyang pagsayaw sa "Budots." Pero ayon kay Revilla, mas tutugunan niya muna ang kaniyang trabaho.

"Trabaho muna tayo, saka na ang sayaw," ani Revilla.

Nakuha naman ni Nancy Binay ang ika-12 na puwesto matapos makamit ang 14,504,936 boto.

Magsisimula sa trabaho simula alas-12 ng tanghali sa Hunyo 30 ang mga hinirang na senador at manunungkulan hanggang tanghali ng Hunyo 30, 2025.

-- May ulat nina Lady Vicencio, Doris Bigornia, Sherrie Ann Torres, Mario Dumaual, at RG Cruz, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
TV Patrol
Halalan2019
Halalan
2019 elections
18th Congress
congress
proclamation
Kongreso
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT