Demolisyon ng NCCC Mall sa Davao, sinimulan na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Demolisyon ng NCCC Mall sa Davao, sinimulan na

Demolisyon ng NCCC Mall sa Davao, sinimulan na

Madonna Timbal-Senajon,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 22, 2018 08:22 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

(UPDATE) Inumpisahan na ang pag-demolish sa istruktura ng nasunog na NCCC Mall sa Davao City nitong Martes ng umaga.

Isang backhoe at isang jack hammer ang kanilang ginamit sa paggiba ng nasunog na istruktura.

Inaprobahan ng Office of the City Building Official ang demolition permit ng NCCC mall noong Pebrero nitong taon.

Inaasahang matatapos ang demolition sa nasunog na mall sa loob ng isang taon.

ADVERTISEMENT

Pero hindi sang-ayon dito ang ilang mga pamilya ng mga biktima dahil wala pa raw resulta ang imbestigasyon at hindi pa nila nakakamit ang hustisya.

Limang buwan na mula nang masunog ang nasabing mall noong Disyembre 23, 2017 na ikinamatay ng 38 katao.

“Depressed ako masyado, devastated. Hindi yan fair,” ayon kay Jocelyn Quimsing, ina ng isa sa mga biktima.

Para naman kay Riolinda Obo, kapatid ng isa sa mga biktima, dapat hindi pa isinagawa ang demolisyon dahil hindi pa tapos ang kaso.

“Hindi syempre, hindi pa natapos ang kaso. Paano na lang patayuan na naman nila yan tapos meron na namang madisgrasya. Against kami sa demolition,” ani Obo.

"Until now nag aantay pa kami sa result ng investigation. Lalaban kami sa kaso.," dagdag niya.

Ayon sa kanila, marami na sa mga pamilya ng mga biktima ang nakatanggap ng bayad mula sa management ng NCCC mall, pero meron pang iilan sa kanila ang hindi tumanggap ng bayad dahil para sa kanila hindi mababayaran ang nasayang na buhay ng kanilang mga mahal sa buhay.

Sinikap ng ABS-CBN News na makuha ang panig ng management ng NCCC Mall pero wala pa silang binigay na pormal na pahayag.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.