Mga biktima ng sunog sa Davao, nailibing na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga biktima ng sunog sa Davao, nailibing na

Clarabelle Cornelio,
ABS-CBN News
Published Jan 06, 2018 02:24 PM PHT
|
Updated Jan 06, 2018 04:54 PM PHT

(UPDATE) Naihatid na sa huling hantungan Sabado ang mga labi ng tatlo sa mga call center agents na nasawi sa malagim na sunog sa isang shopping mall sa Davao City bago mag-Pasko.

Nailibing na ang mga labi nina Mikko Demafeliz, Melvin Gaa, at Missy Rose Artiaga nitong Sabado.

Inilarawan ng mga kasama sa trabaho sina Demafeliz at Gaa bilang mga bayani dahil bumalik umano sila sa loob ng nasusunog na mall upang iligtas ang mga kasama.

Umabot sa 38 katao ang nasawi sa sunog na sumiklab noong Disyembre 23 sa NCCC Mall kung saan 37, kasama ang tatlo, ay empleyado ng US-based call center Research Now SSI.

Ang tanggapan ng naturang call center ay nasa pinakataas ng apat na palapag na gusali.

Samantala, ilang tenants ang pinayagang makapasok sa loob ng nasunog na mall kasama ang ilang bombero para kunin ang mga kagamitang puwede pang maisalba.

Kinuha na rin ng ilang fast food chain ang kanilang mga nasira na stocks sa loob, maging ang mga naiwang pera.

Ayon kay Senior Supt. Jerry Candido, case-to-case basis ang kanilang pinapayagang makapasok dahil delikado pa ang gusali.

Sinuspinde na ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang business registration ng call center, gayundin ang economic zone registration ng NCCC Mall.

Pinaniniwalaang sa isang electrical short circuit nag-umpisa ang sunog, ayon sa resulta ng imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection.