Hero dog, iniligtas ang 2 magkapatid mula sa sunog | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Hero dog, iniligtas ang 2 magkapatid mula sa sunog

Mae Cornes,
ABS-CBN News
Published May 22, 2017 05:48 PM PHT

BENGUET– Para sa magkapatid na sina Wilbur at Kurt Santos, higit pa sa pagiging 'man’s best friend' ang papel na ginampanan ng kanilang asong si Miztah.

Ito ay matapos silang iligtas ng nasabing aso mula sa sunog na sumiklab sa kanilang bahay sa Camp 3 Tuba, Benguet pasado alas-10 ng gabi noong Mayo 13.

Naiwan noon ang magkapatid sa bahay dahil nasa trabaho ang kanilang ama na minero habang nagbabakasyon naman sa Kalinga ang kanilang ina at 2 pang kapatid.

Tulog ang 14-anyos na si Wilbur at ang 12-anyos na si Kurt nang magsimula ang sunog. Mabuti na lamang at tumahol ang aso at kinalmot ang pinto para magising ang magkapatid.

ADVERTISEMENT
“Tinatahulan niya kami. Nung narinig ko, lumabas ako. Pagkita ko, malaki na yung sunog,” ani Wilbur.

Agad nagising si Wilbur at ang kaniyang kapatid. Tinulungan naman sila ng kanilang mga kapit-bahay na apulahin ang apoy.

“Kung hindi dahil sa kanya, wala na siguro kami dito,” ani Kurt.

Nagtamo pa ng sugat ang aso dahil sa sunog.

Tatlong taon na aniya ang nakalilipas mula nang ibigay sa pamilya si Miztah na noon ay tuta pa lamang.

“Mas aalagaan naming siya ngayon dahil sa ginawa niya,” ani Lander Santos Jr, ama ng magkakapatid.

At kahit na natupok sa sunog ang halos lahat ng mga ari-arian ng pamilya, habang buhay raw nilang tatanawin na utang na loob sa aso ang kabayanihan nito.