Baclaran lockdown: Higit 700 ite-test para sa COVID-19 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Baclaran lockdown: Higit 700 ite-test para sa COVID-19

Baclaran lockdown: Higit 700 ite-test para sa COVID-19

ABS-CBN News

 | 

Updated May 21, 2020 07:22 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Higit 700 residente mula Barangay Baclaran sa Parañaque City ang nakatakdang dumaan sa swab testing para sa coronavirus disease (COVID-19) habang nakasailalim ang ilang lugar doon sa "calibrated lockdown," sabi ngayong Huwebes ng city health officer.

Simula alas-6 ng umaga ngayong Huwebes hanggang hatinggabi ng Sabado, naka-lockdown ang mga kalsada ng Bagong Sikat, Bagong Lipunan, Bagong Pagasa, Bagong Ilog, E. Rodriguez, Bagong Buhay, Bagong Silang Dimasalang Extension, Mabuhay, Dose de Junio sa barangay para bigyang daan ang pag-test ng mga residente.

Ayon sa city health officer na si Olga Virtusio, target nilang makapag-test ng 200 hanggang 300 residente kada araw sa pasilidad na itinayo sa Baclaran Elementary School Central.

Kasama sa mga ite-test ang mga taong nakasalamuha ng 42 na taga-barangay na nagpositibo sa COVID-19.

ADVERTISEMENT

"Iko-contact trace mo niyan 'yong mga nakapaligid. So basically, a hundred or more na iko-contract trace namin for Baclaran. Target namin is 700 to 800 [tests] for Baclaran, pero baka hindi namin matapos sa dami," ani Virtusio.

Mayroon ding isolation building ang naturang eskuwelahan para sa probable cases at mga lalabag sa lockdown.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa ilalim ng lockdown, bawal ang paglabas ng mga residente maliban sa frontliners.

Binarikadahan ng orange barrier, at mahigpitan na binabantayan ng mga tauhan ng barangay at pulis ang mga kalyeng naka-lockdown.

Ang sino mang nangangailangan ng tulong-medikal ay puwede umanong lumapit sa barangay at pulis para bumili ng mga pangangailangan.

Sagot naman ng lokal na pamahalaan ang relief goods para sa halos 4,000 residenteng apektado ng lockdown. Binibigyan sila ng 10 kilong bigas, tubig, canned goods, at gatas.

Ang mga taong isa-swab test naman ay maghihintay sa isolation o magho-home quarantine nang 2 linggo. Kapag lumabas na positibo sila sa sakit ay ililipat sila sa medical facility.

Bagaman pangatlo ang Baclaran sa mga barangay sa Parañaque na may pinakamaraming COVID-19 cases, ito ang may pinaka-dense na populasyon at may potensiyal na ikalat ang virus sa mga katabing komunidad, ayon sa barangay chairman na si Jun Zaide.

"Ito 'yong heart and soul ng Parañaque. Not only Parañaque but southern part. Kung may Divisoria ang Manila kami naman ang Divisoria ng southern," ani Zaide.

Matatagpuan sa barangay ang sikat na Redemptorist Shrine of Our Mother of Perpetual Help o Baclaran Church, na natatagpuan ang street market at palengke.

Ayon kay Virtusio, makatutulong ang 3 araw na lockdown para makontrol ang pagkalat ng COVID-19 sa barangay.

-- Ulat nina Anjo Bagaoisan at Doris Bigornia, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.