TINGNAN: Apoy lumalabas sa poso ng tubig sa Antique | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TINGNAN: Apoy lumalabas sa poso ng tubig sa Antique

TINGNAN: Apoy lumalabas sa poso ng tubig sa Antique

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA -- Isang poso ng tubig ang pinag-uusapan ngayon sa Brgy. Budbudan, Hamtic, Antique dahil sa paglabas ng apoy mula rito.

Sa video na ipinadala ni Shem Lantin, makikita ang pagliyab ng apoy mula sa isang bahagi sa poso.

Ani Lantin, taong 1983 pa ginawa ang poso ng tubig sa kanilang lugar. At tuwing pagkatapos gamitin ito ay may lumalabas umanong mga bula, na kapag sinindihan ay umaapoy.

Nawawala rin ang apoy kapag naubos na ang mga bula sa poso, dagdag niya.

ADVERTISEMENT

Watch more News on iWantTFC

Ayon sa lola ni Lantin na si Rita Rendon, matagal na nilang ginagamit ang tubig na lumalabas sa poso at wala naman silang naramdaman o nalalasahang kakaiba rito.

Patuloy na ginagamit ng mga residente ang poso. Dito sila kumukuha ng tubig na kanilang iniinom, at ginagamit sa pagsasaing, pagluluto, pagliligo at paglalaba.

Kasalukuyang inaalam ng Municipal Environment and Natural Office ng Hamtic ang dahilan at kung saan nanggagaling ang apoy.

Noong 2013, naging usap-usapan rin sa lalawigan ng Rizal ang isang posong naglalabas ng apoy.

Ayon sa isang eksperto noon, posibleng may hydrogen sulfide sa tubig, na indikasyon na malapit ang pinagmumulan ng tubig sa isang natural gas deposit sa ilalim ng lupa.

--ulat ni Rolen Escaniel

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.