Vloggers na Fowler sisters pinanagot sa mass gathering sa QC | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Vloggers na Fowler sisters pinanagot sa mass gathering sa QC

Vloggers na Fowler sisters pinanagot sa mass gathering sa QC

Wheng Hidalgo,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 19, 2021 09:29 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Hindi akalain ng magkapatid na vlogger na sina Toni at Mari Fowler na dudumugin ng kanilang followers ang kanilang meet-and-greet sa kanilang negosyong frozen products.

Noong Abril pa lang umano nila binuksan ang kanilang negosyo na Fowler Sisters Online Palengke na may pwesto rin sa Montreal St., Barangay E. Rodriguez sa Cubao, Quezon City.

Ayon kay Toni Fowler, sa kanilang imbitasyon na meet-and-greet, 50 followers lang ang nagparehistro at hindi nila akalaing dadagsa ang iba pang fans hanggang sa mapuno na ang kanilang pwesto sa ika-2 palapag ng gusali hanggang sa kalye.

Ayon sa mga dumalo, nakita lang nila ang imbistasyon na meet-and-greet ng vloggers sa Facebook account ng mga Fowler at nagbigay sila ng frozen products at nagkaroon pa ng pagkakataong magpa-picture sa kanila.

ADVERTISEMENT

Pero sabi ni Toni Fowler, ang mga dumalo ay bumili ng P500 worth ng frozen products at nagpa-picture sa kanila.

At dahil dumami ang tao sa labas ng gusali, may netizen na nagsumbong sa barangay kaya dumating ang QC Task Force Disiplina.

Sabi ni Kagawad Noriel Verano, pagdating nila sa lugar bago mag-alas-4 ng hapon ay puno na ng tao ang ika-2 palapag sa loob at labas ng online palengke kaya pinagsabihan ang Fowler sisters na itigil ang event at kailangan nilang managot sa paglabag sa minimum health protocols, sa mass gathering at di pagsunod sa social distancing.

Aminado naman ang Fowler sisters na may pagkukulang sila dahil hindi sila nakipag-ugnayan sa barangay kaya natiketan sila at ang mga dumalo.

Humingi rin sila ng paumanhin at sasagutin nila ang penalty ng lahat ng dumalo na umabot sa 34 na katao.

Ang iba kasing dumalo ay nakaalis bago pa dumating ang task force.

Kung sakali namang may magpositibo sa COVID-19 sa mga dumalo at na-trace na doon nakuha ang sakit, pananagutan naman daw ito ng Fowler sisters.

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.