Ilang taga-General Santos City lumikas dahil sa baha | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang taga-General Santos City lumikas dahil sa baha

ABS-CBN News
Published May 19, 2021 01:59 PM PHT
|
Updated May 19, 2021 04:36 PM PHT

(UPDATE) Pansamantalang inilikas mula sa kanilang mga bahay ang ilang residente ng General Santos City noong Martes dahil sa baha.

Tuloy-tuloy kasi ang buhos ng ulan sa lungsod dahil sa intertropical convergence zone na nakaaapekto sa malaking bahagi ng Mindanao.

Nasa 8 barangay ang naapektuhan ng pagbaha base sa initial assessment ng city disaster office.

Higit 300 residente ang apektado sa pagbaha, ayon sa mga awtoridad. Bandang gabi ng Martes ay bumalik na rin sa kanilang mga lugar ang mga lumikas.

Ayon naman sa city agriculture office, higit P300,000 ang inisyal na halaga ng pinsalang idinulot ng baha sa mga pananim.

Sa mga larawan at video na kuha ni Almark Mones, makikita ang pagragasa ng tubig sa lungsod.

Hirap naman ang mga motorista sa ilang kalsada sa lungsod matapos itong masira ng baha.

Ang ibang pasahero'y bumaba na lang ng mga pampublikong sasakyan para maglakad sa kanilang pupuntahan.

Binutas din ng baha ang bahagi ng isang kalsada kung saan nakalagay ang main water pipes.

Nitong Miyerkoles, nalubog din sa baha ang 7 barangay sa Zamboanga City dahil sa magdamag na buhos na ulan.

— Ulat ni Chat Ansagay
FROM THE ARCHIVES:
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
rehiyon
regions
regional news
General Santos City
panahon
baha
ITCZ
evacuation
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT