Daan-daang bahay sa Zamboanga City binaha | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Daan-daang bahay sa Zamboanga City binaha

ABS-CBN News
Published May 19, 2021 11:59 AM PHT
|
Updated May 19, 2021 03:55 PM PHT

(UPDATE) Binaha ang daan-daang bahay sa Zamboanga City Miyerkoles ng umaga dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan simula pa Martes ng gabi.

Nasa 10 barangay ang apektado ng pagbaha, ayon sa ulat ng City Disaster Risk Reduction and Management Office.

Pinasok ng baha ang 400 bahay sa Barangay Sangali, 300 bahay sa Bolong, 150 bahay sa Manicahan, 100 bahay sa Bunguiao, 130 bahay sa Cabaluay, 240 bahay sa Tumaga, 300 bahay sa Sta. Maria, 40 bahay sa Guiwan, 120 bahay sa Tugbungan at 50 bahay sa Curuan.

Bukod sa baha, may nangyaring landslide rin sa Barangay Curuan, base sa ulat ng CDRRMO.
Bukod sa baha, may nangyaring landslide rin sa Barangay Curuan, base sa ulat ng CDRRMO.
ADVERTISEMENT
Ayon sa weather advisory ng PAGASA, intertropical convergence zone o ITCZ ang nagdulot ng malakas na pag-ulan sa lungsod.

Umapaw ang tubig sa mga ilog kaya bumaha.
Inaalam pa ng lokal na pamahalaan kung ilang pamilya ang apektado ng pagbaha.
Wala ring kuryente sa mga apektadong barangay matapos magpatupad ng emergency switch off ang ZAMCELCO upang makaiwas sa anumang aksidente.

- Ulat ni Leizel Lacastesantos
KAUGNAY NA BALITA
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT