Pulis sa Davao City nahulihan ng P102,000 shabu | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pulis sa Davao City nahulihan ng P102,000 shabu

Pulis sa Davao City nahulihan ng P102,000 shabu

Cheche Diabordo,

ABS-CBN News

Clipboard

Makikita sa larawang ito ang 15 gramo ng bawal na gamot na nakumpiska sa isang pulis ng Davao City at kaniyang umano'y runner. Larawan mula sa mga awtoridad

DAVAO CITY - Nakuha mula sa isang pulis sa bayan na ito ang nasa P102,000 halaga ng hinihinalang shabu, Lunes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si SSgt Mark Palma, dating intelligence chief ng Sasa police station na inilpat sa foot patrol unit ng Davao City at itinuturing na "high-value target."

Tinanggal si Palma mula sa kaniyang dating puwesto dahil sa anomalya sa isang drug operation, ani Davao City police chief Col. Kirby John Kraft.

Nakatanggap din ng impormasyon ang mga awtoridad na may safe house sa Sasa si Palma "pati mga bata doon ay inuutusan na nitong mag deliver at magbenta ng shabu," sabi ni Antonio Rivera, hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency-Davao Region.

Naaresto ng PDEA, pulisya at National Bureau of Investigation si Palma kasama ang kaniyang hinihinalang asset at runner na si Rodnie Tamayo.

ADVERTISEMENT

Nakumpiska sa kanila ang 7 pakete ng hinihinalang shabu.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.