2 taong gulang na bata, patay sa sunog sa Sorsogon | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 taong gulang na bata, patay sa sunog sa Sorsogon

ABS-CBN News
Published May 18, 2021 10:18 PM PHT

DONSOL, Sorsogon - Patay ang 2 taong gulang na bata sa Sitio Mabinit, Barangay Tupas sa bayang ito matapos masunog ang kanilang bahay bandang, umaga ng Martes.

Sa report na ipinalabas ng Donsol Municipal Police Station, natutulog daw ang bata nang biglang sumiklab ang sunog bandang alas-10 ng umaga.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na nagsimula ang sunog nang subukang magluto ng dalawa niyang nakatatandang kapatid, na may edad 4 at 7 taong gulang, ng kopra.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa lang daw sa light materials ang bahay.

ADVERTISEMENT
Wala ang kanilang mga magulang nang mangyari ang sunog.

Paalala ng awtoridad lalo na sa mga magulang na maging mapagbantay sa mga bata, at dapat maiging mabigyan sila ng sapat na kaalaman sa mga bagay na posibleng pagsimulan ng sunog.

- Ulat ni Karren Canon
KAUGNAY NA BALITA:
Read More:
Regions
Regional news
Donsol
Sorsogon
bata patay sunog
sunog
fire
Sorsogon news
patrolph
Tagalog news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT