'Therapeutic': Anthropologist ipinaliwanag kung bakit may mga Pinoy na lumusob sa malls | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Therapeutic': Anthropologist ipinaliwanag kung bakit may mga Pinoy na lumusob sa malls

ABS-CBN News
Published May 18, 2020 04:17 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
MAYNILA — Hindi patas na tawaging "pasaway" ang mga Pinoy na lumusob sa malls nang paluwagin ang ipinatutupad na quarantine measures ng gobyerno, ayon sa isang anthropologist.

Simula noong Mayo 16, Sabado, ang Metro Manila, Cebu City, Laguna, at ilan pang lalawigan ang nasa ilalim ng "modified" enhanced community quarantine, habang ang iba ay nasa "general" community quarantine na lamang.

Sa panayam nitong Lunes kay Dr. Michael Tan, medical anthropologist at dating Chancellor ng UP Diliman, ang nangyaring pagdagsa ng mga Pilipino sa malls ay "global" o nangyari rin sa iba't ibang panig ng mundo.

"Hindi naman ata pasaway ito noh? Global itong nakita natin ngayon. Sa China nung natapos ang kanilang lockdown at sa Amerika din. Ang tawag dito therapeutic shopping o retail therapy nga," ani Tan.

Paliwanag ni Tan, malaking parte na kasi ng kultura ng mga Pinoy ang pamamasyal sa malls, at lalo itong kinasabikan dahil higit 2 ding natengga ang mga ito sa bahay dahil sa mahigpit na home quarantine.

"Sa kanta nga, 'ibon man may layang lumipad kulungin mo at umiiyak.' Antagal-tagal ng pagkakakulong sa atin during the quarantine for 2 months. People want to go out now that less ang restrictions ngayon. Ang mall kasi ay naging parte na ng buhay natin," ani Tan.

Sa Amerika aniya, mayroong konsepto ng "revenge shopping" o gagastos nang malaki para mabawasan ang kalungkutan at stress na dulot ng pandemya.

Nitong Lunes ay sinabi ng Palasyo na nababahala sila sa dagsa ng tao sa malls simula noong Sabado.

Sa Cavite province, iniutos na ni Governor Jonvic Remulla na isara muna muli ang mga mall hangga't hindi maipapangako ng mga namumuno sa mga ito na maipapatupad ang physical distancing.

Sa huling ulat ng DOH noong Linggo, umabot na sa 12,513 ang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas, ang 824 dito ay nasawi habang ang 2,635 naman ay nakarekober.

—May ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT