'Mandatory' COVID-19 testing sa mga magbabalik-trabaho isinusulong ng labor group | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Mandatory' COVID-19 testing sa mga magbabalik-trabaho isinusulong ng labor group

'Mandatory' COVID-19 testing sa mga magbabalik-trabaho isinusulong ng labor group

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Isinusulong ng isang labor group nitong Lunes na isailalim sa "mandatory" testing sa COVID-19 ang mga empleyadong babalik na sa kanilang mga trabaho ngayong nagpatupad na ang gobyerno ng mas maluwag na quarantine measures sa buong bansa.

Ayon sa pahayag ng grupong Defend Jobs Philippines, dapat ay mas igiit ng pamahalaan na ipa-test ng pribadong employers ang kanilang mga manggagawa kung pababalikin na ang mga ito sa trabaho.

"Instead of dismissing proposals of testing all returning workers, the DOH (Department of Health) and the Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) must have stricter rules and guidelines to private employers to require its workers to undergo coronavirus testing," ani Thadeus Ifurung, Defend Jobs Philippines spokesperson.

Simula noong Mayo 16, Sabado, ay Metro Manila, Cebu City, Laguna, at ilan pang bilang na lalawigan ang nasa ilalim ng "modified" enhanced community quarantine, habang ang iba ay nasa "general" community quarantine na lamang.

ADVERTISEMENT

Ayon sa labor group, ang pagpapatupad ng mas mababang antas ng quarantine ay dapat sabayan ng mas mabilis at mas malawakang testing ng mga Pilipino.

"[T] he DOH and the IATF must use their authority to start making aggressive measures to conduct massive COVID-19 testings across the country as initial measure to identify cases and resolve this national public health emergency," giit ni Ifurung.

Sa huling ulat ng DOH noong Linggo, umabot na sa 12,513 ang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas, ang 824 dito ay nasawi habang ang 2,635 naman ay nakarekober.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.