Babae ginahasa, pinatay sa Lipa City

ABS-CBN News

Posted at May 18 2019 02:37 PM | Updated as of May 18 2019 08:36 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Isang babae ang natagpuang patay sa loob ng kaniyang tinitirahang apartment sa Lipa City, Batangas noong Biyernes.

Natagpuang wala nang buhay at tanggal ang pang-ibabang damit ng biktima na si alyas "Meann," 21.

Sa inisyal na imbestigasyon, posibleng Miyerkoles pa pinatay ang biktima.

May mga saksak sa leeg at sugat sa ulo ang biktima nang matagpuan.

Nakumpirma din ng mga awtoridad na ginahasa ang biktima.

Mag-isa na lamang na nakatira sa kanilang bahay ang biktima dahil ulila na ito sa mga magulang.

May persons of interest na ang mga pulis at patuloy na inaalam ang motibo sa krimen.

—Ulat ni Fay Virrey, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.