Misa sa Padre Pio Shrine sa Batangas, bukas na ulit sa publiko | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Misa sa Padre Pio Shrine sa Batangas, bukas na ulit sa publiko

Misa sa Padre Pio Shrine sa Batangas, bukas na ulit sa publiko

ABS-CBN News

Clipboard

Puwede na ulit dumalo sa mga misa sa National Shrine and Parish of Saint Padre Pio sa Santo Tomas, Batangas matapos ipagbawal nang 2 buwan dahil sa COVID-19. Andrew Bernardo

Balik na ulit ang mga in-person na misa sa National Shrine and Parish of Saint Padre Pio sa Santo Tomas City, Batangas matapos ipagbawal nang 2 buwan dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Sa tala ng pamunuan ng Padre Pio Shrine, sa unang linggo ng pagbabalik ng physical masses na nagsimula noong Mayo 6, umabot sa higit 1,000 deboto ang nagpunta sa simbahan.

Sampung porsiyento lang umano ito sa normal na dagsa ng tao sa Padre Pio Shrine.

Ayon kay Santo Tomas public information officer Gerry Laresma, hanggang 30 porsiyento lang ng kapasidad ng simbahan ang maaaring dumalo sa mga in-person na misa.

ADVERTISEMENT

Mahigpit din umanong ipinatutupad ang mga health protocol tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield. Naninita rin ang guwardiya kapag magkakalapit sa upuan ang mga nagsisimba.

Masaya naman ang pamunuan ng simbahan sa muli nilang pagbubukas sa publiko.

"Nabigyan muli ng pag-asa at ng lakas ang mga tao na naniniwalang ang Diyos ang puwede nating kapitan sa gitna ng pandemya at sa gitna ng ating pinagdaraanan," sabi ni Rev. Fr. Oscar Andal, parish priest ng Padre Pio Shrine.

Puwede rin naman daw manood na lang ng mga live streaming na misa ang mga taong hindi pa rin puwedeng magmisa sa mismong simbahan.

Isa sa mga bumisita sa simbahan noong Sabado sina Alex Macabaya Jr. at Gilbert Granfiel, na parehong galing Angono, Rizal.

"Siyempre, mas maganda 'yong nakikita mo at nararamdaman mo siya, nakikita mo siya nang actual," sabi ni Macabaya.

"Inabangan namin na medyo lumuwag-luwag para makabalik dito," ani Granfiel na nag-alay ng dasal umano para sa kaniyang negosyo at kalusugan.

— Ulat ni Andrew Bernardo

FROM THE ARCHIVES:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.