COVID-19 vaccination sinimulan na sa Batangas, Bulacan, Oriental Mindoro | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
COVID-19 vaccination sinimulan na sa Batangas, Bulacan, Oriental Mindoro

ABS-CBN News
Published Mar 08, 2021 02:54 PM PHT
|
Updated Mar 08, 2021 07:15 PM PHT

(UPDATE) Umarangkada ngayong Lunes ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa health workers sa mga lalawigan ng Batangas, Bulacan at Oriental Mindoro.

Sa Batangas, pinangunahan ni Department of Health-Calabarzon Director Eduardo Janairo ang ceremonial vaccination sa Batangas Medical Center (BATMC) sa Batangas City.

Unang binakunahan si Dr. Ramoncito Magnaye, hepe ng BATMC.

"I feel okay, wala naman akong nararamdaman," sabi ni Magnaye, na isang dekada nang diabetic at may hypertension, kasunod ng pagturok.

Mauunang turukan gamit ng mga bakuna ng Sinovac ang 200 medical frontliners ng ospital, na may kabuuang 1,000 empleyado.

Hinikayat naman ni Janairo ang mga taga-Calabarzon na huwag balewalain ang health protocols kahit unti-unti nang dumadating sa rehiyon ang COVID-19 vaccines.

Sa Bulacan, nagsimula na ang pagbabakuna sa halos 900 health care workers at manggagawa ng Bulacan Medical Center (BMC) sa Malolos City.

"Asahan n'yo po na sigurado naman lahat tayo mababakunahan. Una-una lang po 'yan," sabi ni Bulacan Governor Daniel Fernando.

Unang nakatanggap ng Sinovac vaccine ang hepe ng BMC na si Dr. Hjordis Marushka Celis.

Nasa 900 doses ng Sinovac ang inilaan para sa medical frontliners ng lalawigan.

Higit 800 staff staff ng BMC, district hospitals at provincial health offices ang babakunahan hanggang Miyerkoles.

Sa Oriental Mindoro, higit 300 health workers naman ang makatatanggap ng bakuna sa Oriental Mindoro Provincial Hospital at mga pribadong ospital na Ma. Estrella Hospital at MMG Hospital.

Unang tinurukan si Dr. Dante Nuestro, chief of clinic ng Oriental Mindoro Provincial Hospital, at Dr. Cielo Angela Ante, vaccination team leader.

Ayon kay Nuestro, marami sa 600 empleyado ng provincial hospital ang tumangging magpabakuna noong una. Pero matapos makita sa ibang lugar na wala naman naging masamang epekto ang bakuna ay nakumbinsi na silang magpaturok.

Target na mabakunahan ang higit 1,000 health workers sa Oriental Mindoro sa loob ng isang linggo.

Hinakayat ni Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor ang publiko na huwag matakot magpabakuna dahil ito ang pinakamabisang armas laban sa sakit.

Nitong Marso umarangkada ang vaccination program ng gobyerno laban sa COVID-19, na nakapanghawa na ng 594,412 sa Pilipinas.

-- Ulat nina Jorge Cariño at Dennis Datu, ABS-CBN News at Andrew Bernardo
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
rehiyon
regions
regional news
Batangas
Batangas Medical Center
Bulacan
Bulacan Medical Center
Daniel Fernando
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT