Mga food delivery rider na nabiktima ng fake order, nag-viral | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga food delivery rider na nabiktima ng fake order, nag-viral

ABS-CBN News
Published May 16, 2020 08:35 PM PHT

MAYNILA - Viral sa social media ang umano'y pagbook ng isang food delivery app user ng mga pagkain mula sa tatlong delivery boy na kinansela.

Ayon sa Bayan Patroller na si Bernard Enriquez kumatok sa kaniyang gate ang dalawang food delivery rider, na naghahanap ng isang nagngangalang "Jane Castro" na umorder ng milk tea at pagkain mula sa isang fast food chain.

Bagay ito na ipinagtataka ni Enriquez ngayong walang nagngangalang Jane Castro sa kanilang bahay.

"Takang-taka ako kung bakit hinahanap nila si Jane Castro, wala namang Jane Castro dito sa amin," aniya.
"Takang-taka ako kung bakit hinahanap nila si Jane Castro, wala namang Jane Castro dito sa amin," aniya.
ADVERTISEMENT
Tinanong din niya ang mga kapitbahay sa tinitirahan niyang apartment pero walang nakakakilala sa babae.

Maya-maya’y nakatanggap ng mensahe ang mga food delivery rider mula sa kanilang dispatcher na cancelled na ang mga order. Binigay na lang ng mga delivery boy sa mga tauhan ng gasoline station sa tapat ng bahay nina Enriquez ang pagkain.

Sinundan pa ito ng pangatlong delivery rider, na naghanap muli kay Jane Castro. Ngayon, 25 orders naman ng manok at halo-halo na nagkakahalaga ng higit P5,000 ang inorder.

Kuwento ni Enriquez, naawa siya sa dami ng pagkaing dala nito kaya tinawag niya ang mga kapitbahay para paghati-hatian nila ang pagbabayad sa mga food items.

"Sayang kasi at kawawa naman siya dahil baka siya ang magbabayad," paliwanag niya.

Kinuhanan ni Enriquez ng retrato ang food delivery boy at ang mga pagkain na dala nito at pinost sa social media.

Pinost nya ito sa social media, at ang tanong nya, "Nasaan si Jane Castro?"

Umabot na sa 175,000 reactions, 306 comments at 112,000 shares ang post ni Enriquez.

Nakausap naman ng Bayan Mo, Ipatrol Mo ang pangatlong food delivery boy. Paliwanag ng delivery boy, bayad na ng food delivery service ang mga inorder sa kanila. "Pagod at oras lang po ang nawala sa akin," aniya.

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
fake delivery
order
fake order
Bayan Mo Ipatrol Mo
social media
food delivery
delivery prank
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT