Mensahe ni Lito Lapid sa mga bumabatikos: 'Salamat na lang' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mensahe ni Lito Lapid sa mga bumabatikos: 'Salamat na lang'

Justin Aguilar,
ABS-CBN News
Published May 16, 2019 12:37 AM PHT

BAGUIO CITY – Nagpaabot ng pasasalamat si senatorial bet Lito Lapid, hindi lamang sa mga sumuporta sa kaniyang kandidatura, maging sa mga bumabatikos sa pagpasok niya sa Magic 12.

“Nababalitaan ko lang. Bahala na sila doon. Salamat na lang. At least napapansin niyo ako masama man o mabuti," sabi ni Lapid na nagbabakasyon sa Baguio kasama ang asawa.

Hiling din niya sa publiko na huwag maliitin ang kaniyang kakayahan bilang isang pulitiko. Naging senador si Lapid ng dalawang termino noong 2004 at 2016. May karanasan din siya sa paglilingkod sa lokal bilang gobernador ng Pampanga.

Ayon kay Lapid (NPC), hindi niya inaasahan ang kasalukuyang takbo ng resulta ng eleksyon kung saan nananatili siyang nasa pang-7 pwesto sa canvassing para sa pagka-senador.

Nakatanggap siya ng 16,688,514 boto, base sa 96.95% ng election returns mula mga clustered precincts, nitong 9:44 ng umaga ng Miyerkoles.

“Ipagpapatuloy po natin yung naisumite nating batas," ani Lapid.

May mga nakahanda na rin daw siyang panukalang batas na isusulong.

"Yung free legal assistance, ito naman, free medical naman," ani Lapid.