Dating 'The Voice Kids' contestant, namatay sa aksidente sa Batangas | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dating 'The Voice Kids' contestant, namatay sa aksidente sa Batangas

Kevin Dinglasan,
ABS-CBN News
Published May 16, 2018 04:40 AM PHT

BATANGAS - Namatay nitong Lunes ng umaga ang isang dating "The Voice Kids" contestant matapos maaksidente ang minamanehong motorsiklo sa Batangas.

Nagtamo si Christian Pasno, 13-anyos, ng severe traumatic brain injury.

Nangyari ang aksidente Linggo ng gabi sa Barangay Mabalanoy sa bayan ng San Juan.

"Nag-overtake siya sa isang motor. Itong motor ni victim ay walang headlight. Merong tambak ng lupa hindi niya napansin. Madilim dun," ani Senior Insp. Roy Cuevas ng San Juan police.

ADVERTISEMENT
Sumemplang ang motorsiklo nang mawalan ng kontrol ang binatilyo. Napuruhan ito sa ulo dahil walang suot na helmet.

"Masakit po sa akin. Hindi ko po matanggap na mawawala siya. Sobrang mahal ako nun," ani Marlito, ama ng biktima.

Ayon sa pamilya ng biktima, galing si Pasno sa isang karatig na lugar kung saan rumaket ang kaniyang ama na isa ring singer.

Bago umalis ang binatilyo, umawit pa ito sa mga nanonood.

Unang nakilala ang Batangueñong mang-aawit nang sumali ito sa season two ng "The Voice Kids" noong 2015.

Inawit ni Pasno ang kantang "Ika'y Mahal Pa Rin" at umabot siya hanggang sa battle round ng programa.

Read More:
Regional news
Tagalog news
The Voice
The Voice Kids
Christian Pasno
accident
motorcycle
San Juan
Batangas
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT