Comelec: 2018 barangay, SK elections, makasaysayan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Comelec: 2018 barangay, SK elections, makasaysayan

Comelec: 2018 barangay, SK elections, makasaysayan

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Naging makasaysayan ang katatapos lamang na barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Paliwanag ng ahensiya, sa unang pagkakataon ay walang naideklarang "failure of election" sa lahat ng lugar sa bansa.

Nasa 140 na failure of election ang naitala sa bansa noong 2013 barangay elections, sabi ng Comelec.

Dalawang araw matapos ang halalan, naiproklama na rin ang 99.8 percent ng mga nanalo. Ayon sa Comelec, pinakamabilis ito sa kanilang kasaysayan.

ADVERTISEMENT

Pero aminado ang Comelec na may mga dapat pa ring ayusin, tulad ng mga botanteng hindi makita ang pangalan sa listahan.

Nakikipag-ugnayan na ngayon ang Comelec sa Department of Information and Communication Technology (DICT) para buhayin ang online precint finder.

Natigil ito matapos ang kontrobersiyal na "Comeleaks" noong 2016, kung saan na-hack at na-expose ang impormasyon ng mga botante.

"Ido-double natin ang efforts natin na mapagana 'yan for 2019. In the meantime, patuloy po ang trabaho ng paglilinis ng listahan ng botante," sabi ni Comelec spokesperson James Jimenez.

Pero nanawagan din ang Comelec sa mga botante na alamin ang kanilang estado.

Anila, maaari kasing wala talaga sa listahan ang botante dahil dalawang eleksiyon na itong hindi nakaboto; lumipat ito ng bahay pero hindi nagpalipat ng rehistro sa kanila; o nagparehistro ito sa dalawa o higit pang lugar.

Sinabi naman ni Comelec Commissioner Luie Guia sa programang "Beyond Politics" sa ANC na pag-aaralan din nila ang mas magandang sistema para sa mga person with disabilities, senior citizen, at mga buntis.

"Majority of our PWDs and senior citizens opted to vote in their regular precinct... But we are studying this. We're trying to look for solutions," sabi ni Guia.

Ito rin umano ang unang halalan kung saan may nahuli dahil sa vote-buying.

Pinag-aaralan din ng Comelec na pahabain ang security cover ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) mula pa lamang sa filing of candidacy dahil may mga patayan na ring nagaganap bago pa man kumandidato ang mga politiko.

Bagama't katatapos lamang ng eleksiyon, maghahanda na ulit ang Comelec para sa midterm elections sa Mayo 2019.

Sa Oktubre magaganap ang filing of candidacy para sa mga senador, kongresista, at lokal na opisyal.

--Ulat ni Ron Gagalac, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.