Sinas, iba pang pulis kinasuhan dahil sa viral lockdown 'mañanita' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sinas, iba pang pulis kinasuhan dahil sa viral lockdown 'mañanita'

ABS-CBN News
Published May 15, 2020 09:37 PM PHT

MAYNILA — Sinampahan na ng reklamo sa Taguig City Prosecutor’s Office nitong Biyernes si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. Gen. Debold Sinas pati na ang ilang opisyal ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng kumalat na pagdaraos ng isang "birthday bash" na labag sa quarantine protocols.

Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, nagtungo ang mga kinatawan ng PNP Intelligence Group at Internal Affairs Service sa piskalya para ihain ang reklamong paglabag sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act at sa City Ordinance no. 12 hinggil sa pagsusuot ng face mask at pagsunod sa physical distancing ngayong may COVID-19 pandemic.

Kasama ring kinasuhan ang 18 pulis kabilang ang 5 heneral.

Nilabag umano ni Sinas at ng kaniyang mga kasamahan ang pagbabawal sa anumang uri ng pagtitipon-tipon sa gitna ng enhanced community quarantine.

Nahaharap din sina Sinas sa mga kasong administratibo.

Nauna nang sinabi ni Sinas na siya ay sinorpresa lang ng kaniyang mga tauhan at hindi planado ang selebrasyon noong Mayo 8.