PWD, No. 1 sa pagka-SK Kagawad sa Davao City | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PWD, No. 1 sa pagka-SK Kagawad sa Davao City

Berchan Angchay,
ABS-CBN News
Published May 15, 2018 07:13 PM PHT
|
Updated May 15, 2018 11:08 PM PHT

DAVAO CITY - Kahit na may kapansanan, ipinakita ni Fife Vanice Dayola na hindi ito magiging hadlang para makapag-silbi at maging produktibong indibidwal hindi lamang sa loob ng kaniyang pamilya, kundi maging sa komunidad.

May polio na si Dayola nang ipanganak. Isa ang 23-anyos sa mga pormal na naiproklamang nanalong kandidato sa Manuel L. Quezon Elementary School mula sa tatlong barangay.

Hindi man nakapagtapos ng pormal na pag-aaral, nagsikap si Dayola na makatapos sa Alternative Learning System o ALS ng Department of Education.

Ayon sa kaniya, masaya siya dahil hindi niya inaasahang maging Top 1 bilang SK Kagawad ng Barangay 21-C sa kanilang lugar.

Batid ni Dayola ang kaligayahan sa kaniyang pagkapanalo. Pero mas ikinatuwa niya ang benepisyong makukuha niya dahil sa kaakibat na educational assistance kung saan mapagpapatuloy niya ang kaniyang pangarap na maging bihasa sa larangan ng teknolohiya sa kaniyang plano na magkolehiyo.

Samantala, ikinagalak din ni Alimodin Usman ang kaniyang pagkapanalo bilang punong barangay sa Barangay 23-C.

Ipinahayag naman niya ang kaniyang pagdadalamhati sa kaniyang katapat na si Amil Balsa Manding na biglang pumanaw Lunes ng gabi dahil sa atake sa puso.

May alitan man dahil sa tensyong nabuo noong nakaraang Biyernes kung saan sangkot ang mga supporters ng dalawang panig, naniniwala siyang matatapos rin ang lahat.

Haharapin ni Usman ang mga ugong-ugong ng pagprotesta ng kabilang panig sa kaniyang pagkapanalo pati na rin ang gulo noong Biyernes na nagresulta sa pagkasugat ng tatlo katao.