Mga sikat, wagi sa pagtakbo sa halalan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga sikat, wagi sa pagtakbo sa halalan

Mga sikat, wagi sa pagtakbo sa halalan

ABS-CBN News

 | 

Updated May 15, 2018 10:01 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Tumawid sa serbisyo publiko ang ilan sa mga personalidad sa show business matapos magwagi sa nakalipas na barangay elections.

Kabilang sa mga artistang nanalo ay ang aktres na si Angelika dela Cruz, na reelcted barangay captain ng Longos, Labaon.

Inalay ni Dela Cruz ang pagkapanalo sa yumaong kapatid na naging inspirasyon umano niya sa pagpasok sa politika.

"Si Edward talaga 'yong kapatid ko ang talagang gustong-gusto niyang mag-public service... bago siya makaupo, na-hit-and-run siya," sabi ni Dela Cruz.

ADVERTISEMENT

Hinirang din bilang barangay captain sa Kaunlaran, Navotas si Toto Natividad, na naging direktor ng teleseryeng "FPJ's Ang Probinsyano."

Nalusutan din ng dancer na si Lea Carlos Santos, o mas kilala bilang Luningning, at dating aktres na si Tina Monasterio ang halalan sa Quezon City.

Ipinroklamang kagawad si Luningning sa Barangay Paligsahan habang kagawad naman sa Barangay Duyan-Duyan si Monasterio.

Naungusan naman ng manugang ni Alma Moreno na si Jenny Salimao-Quizon, misis ni Vandolph Quizon, ang mga katunggali bilang kapitan ng Barangay Tambo, Parañaque.

"Primary pangangailan ng mga tao sa medicine, lahat, sana naman naibibigay. Tapos sa trabaho, livelihood," ani Jenny.

Limandaang boto ang lamang ni Quizon sa mga kalaban.

Pamumunuan niya ang barangay na sumasakop sa mga hotel at casino sa lungsod.

-- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.