Ilang sikat, tumakbo sa barangay elections | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang sikat, tumakbo sa barangay elections

ABS-CBN News
Published May 14, 2018 11:18 PM PHT

Kung dati ay mistulang malayo at napapanood lang sila sa telebisyon at pelikula, ngayon ay abot-kamay na ang ilang sikat ng kanilang mga kapitbahay sa komunidad.

Tumakbo muli sa barangay elections nitong taon ang ilang personalidad mula sa industriya ng show business.

Isa na rito si Angelika Dela Cruz, na tumakbo ulit bilang barangay captain sa Longos, Malabon.

Kasama ni Dela Cruz na bumoto nitong Lunes ang kaniyang buong pamilya.
Kasama ni Dela Cruz na bumoto nitong Lunes ang kaniyang buong pamilya.
ADVERTISEMENT
Kuwento niya, marami siyang natutunan sa pagbibigay ng serbisyo sa publiko.

"'Yong growth ko as a person talagang sobra. As in nakita ko talaga 'yong mga tunay na problema ng mga tao," aniya.

"Dati 'pag sa taping kapag mainit lang 'yong tent mo, 'Ay ang init init naman dito!' Ngayon, hindi," kuwento ni Dela Cruz.

Ang mananayaw naman na si Lea Carlos Santos, o mas kilala bilang Luningning, tumakbo ulit bilang kagawad sa Paligsahan, Quezon City.

Kagawad din sa Barangay Duyan-Duyan, Quezon City naman ang itinakbo ni Tina Monasterio, dating leading lady ni Fernando Poe Jr.

Sinamahan naman ni Alma Moreno ang anak na si Vandolph Quizon at manugang niyang si Jenny sa pagboto sa Tambo Elementary School sa Parañaque City.

Tumatakbo si Jenny bilang barangay captain ng Tambo, isa sa pinakamayamang barangay sa bansa na sinasakop ang malalaking hotel at casino.

"'Di naman talaga dapat ako tatakbo. Sumakabilang buhay po 'yong kapitan namin. As number one na kagawad, ako 'yong (nag-) takeover sa kaniya. Nandito na rin lang, tinuloy ko na lang," ani Jenny.

Ayon kay Moreno, malakas ang pag-alala ng mga botante sa pangalan ng mga artistang kumakandidato pero sa huli ay kailangang nasa puso ang paninilbihan.

"Hindi ka lang basta tatakbo dahil kailangan mong tumakbo, hindi. 'Pag takbo mo, sa puso mo talaga, to serve," sabi ni Moreno.

Umaasa ang mga bituin na magiging maayos ang bilangan sa barangay at Sangguniang Kabataan elections.

-- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
halalan
Halalan 2018
Halalan2018
eleksiyon
election
polls
barangay
Sangguniang Kabataan
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT