Ellen Adarna, sinampahan ng kasong child abuse, cybercrime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ellen Adarna, sinampahan ng kasong child abuse, cybercrime

Ellen Adarna, sinampahan ng kasong child abuse, cybercrime

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA- Sinampahan ng kaso ang aktres na si Ellen Adarna nitong Martes ng ina ng 17-anyos na babaeng pinaghinalaan niyang kumuha ng video habang kumakain siya sa isang restoran sa Makati.

Nagtungo sa Office of the City Prosecutor sa lungsod ng Pasig si Myra Abo Santos at nagsampa ng kasong child abuse at cyber crime laban kay Adarna.

Noong Mayo 4, nag-post si Adarna ng video ng anak ni Santos kung saan kinukuhanan umano ng dalaga ng video si Adarna.

Caption pa ni Adarna sa video: "'yan ha... You know the feeling... Uncomfy noh? When you PAP us, we PAP you too! Nasa resto eh. It's a tie."

ADVERTISEMENT

Gumamit pa ng hashtag #PaparazziMoves si Adarna sa post.

Gayunman, iginiit ng teenager sa kaniyang Twitter account na hindi nga niya napansin si Adarna at kinukuhanan niya lang ang kanilang kinakain.

Ayon naman kay Adarna, tama ang kaniyang hinala tungkol sa babaeng kostumer na kinuhanan din niya ng video.

Ilang araw matapos ang insidente, hiningian ni Santos si Adarna ng isang public apology at sinabing nasaktan ang kanilang pamilya sa ginawa ng aktres.

-may ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.