'Hindi kami tanga': Ellen Adarna, iginiit ang paratang sa babaeng nakasabay sa restoran | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Hindi kami tanga': Ellen Adarna, iginiit ang paratang sa babaeng nakasabay sa restoran

'Hindi kami tanga': Ellen Adarna, iginiit ang paratang sa babaeng nakasabay sa restoran

ABS-CBN News

Clipboard

Muling bumanat ang sexy actress na si Ellen Adarna sa kostumer na pinaghinalaan niyang kumuha ng video niya habang kumakain sa isang restoran sa Makati.

Sa kaniyang latest Instagram story, iginiit ni Adarna na tama ang kaniyang hinala tungkol sa babaeng kostumer na kinuhanan din niya ng video.

"Girl, your reaction in the video that I took explains it all, like you look so guilty, you didn't even know what to do, if you should pick up your chopsticks, you looked so conscious because you panicked, because you know I was doing what you're doing," paliwanag ni Adarna sa kaniyang IG story.

"Girl you can deny all you want, but before your food arrived...and so, whatever, feeling na kung feeling, but hindi kami tanga," dagdag pa nito.

ADVERTISEMENT

Ayon pa kay Adarna, binalak niyang puntahan ang nasabing kostumer para ipabura ang umano'y kuha nitong video, ngunit nagdesisyon na lamang siyang kuhanan din ang kostumer.

Bagama't pinabulaanan na ito ng kostumer na kinilalang si "Eleila" sa kaniyang mga post, hindi naman ito tinanggap ni Adarna.

"And I saw her post, I saw the video that she took, she was casually eating ramen, but like she took a video, girl, if you take a video of your food, you focus on the food, you don't focus or you don't show the people in the background," sabi ni Adarna.

Nanghihingi rin ang aktres ng kopya ng CCTV footage mula sa may-ari ng restoran.

Sa mga post sa Twitter, sinabi ni Eleila na ni hindi niya kilala si Adarna at ikinagulat na lang niya ang IG story nito ukol sa umano'y pagkuha niya ng video.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.