Tagasuporta ni Leni Robredo na naging emosyonal at viral, pumanaw na | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tagasuporta ni Leni Robredo na naging emosyonal at viral, pumanaw na

Raffy Cabristante,
ABS-CBN News
Published May 13, 2022 05:14 AM PHT

MANILA – Pumanaw na ang isang tagasuporta ni Vice President Leni Robredo sa Tarlac na naging viral matapos siyang naging emosyonal nang makita si Robredo sa kampanya doon.

Binawian ng buhay si Nanay Gloria Beltran ng bayan ng Gerona, Tarlac nitong Miyerkoles ng hapon matapos matamaan ng COVID-19 sa edad na 74.

Kinumpirma ito ng manugang niyang si Catherine Beltran sa ABS-CBN News.

Bagama't present sa kampanya ni Robredo si Nanay Gloria, hindi na raw ito nakapagboto noong araw ng Halalan 2022 matapos siyang isugod sa ospital dahil hirap itong huminga.

ADVERTISEMENT
Dahil dito, naka-home quarantine ang mga kaanak niya na nag-alaga sa kanya hanggang sa binawian na siya ng buhay.

Inanunsyo naman ng grupong "Tarlac Youth for Leni" ang pagpanaw ni Nanay Gloria, at nanawagan pa sa mga nais magbigay ng tulong sa pamilya niya.

Naging viral sa social media si Nanay Gloria noong kasagsagan ng panahon ng kampanya nitong Marso, matapos siyang umiyak nang makita si Robredo sa kanilang lugar.

Alas-7 pa lang ng umaga noong March 23, nag-abang na si Nanay kay Robredo sa Gerona Public Market upang masulyapan ang bise presidente.

The moment nanay Gloria saw VP @lenirobredo: @ABSCBNNews pic.twitter.com/3SW0Vvnz0T
— Wena Cos (@wenacos) March 23, 2022

Sa isang video, kinuwento ang naging karanasan niya noong araw na iyon.

"Nagtiis ako para makita ko talaga. Noong nakita ko siya, ang saya ko," ani Nanay Gloria.

"Malumanay siya magsalita. totoo siyang nagsasalita," dagdag pa niya.

Hindi pinalad si Robredo sa halalang ito matapos siyang unahan ng karibal niyang si dating senador Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ng mahigit 16 milyong boto.

As of May 12, 2022, 10:02 PM, nakakuha si Marcos Jr. ng 31,104,084 boto, habang pumapangalawa si Robredo na may 14,822,041 boto.

KAUGNAY NA VIDEO:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT