Malakas na ulan at hangin, naranasan sa Davao Oriental sa pag-landfall ng bagyong 'Crising' | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Malakas na ulan at hangin, naranasan sa Davao Oriental sa pag-landfall ng bagyong 'Crising'

ABS-CBN News
Published May 13, 2021 11:14 PM PHT

Naranasan ang malakas na hangin at pag-ulan sa lalawigan ng Davao Oriental dahil sa bagyong Crising.

Sa bayan ng Cateel, malakas ang hangin sa isang beach resort. Ulan din na may kasamang hangin ang naranasan sa bayan ng Boston.

Sa bayan ng Baganga, kung saan nag-landfall ang bagyo kaninang 8:20 p.m., ilang puno ang natumba dahil sa malakas na hangin.

Nakasailalim sa storm signal number 2 ang Cateel, Boston, at Baganga dahil sa bagyo.

ADVERTISEMENT
Sa Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) ng lokal na pamahalaan ng Davao Oriental kanina, itinaas ang blue alert status, kung saan mahigpit ang monitoring ng mga awtoridad at government agencies kaugnay sa bagyo.

Inihanda na rin ang mga rescue equipment, heavy equipment, sasakyan, food packs, at manpower.

Suspendido naman ang klase sa mga paaralan sa Davao Oriental, pati na ang pagsusumite ng mga modyul.

Patuloy ang monitoring ng lokal na pamahalaa sa epekto ng bagyo.

- ulat ni Hernel Tocmo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT