Higit 2 milyong doses ng Pfizer vaccine inaasahang darating bago matapos ang Mayo | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Higit 2 milyong doses ng Pfizer vaccine inaasahang darating bago matapos ang Mayo

Higit 2 milyong doses ng Pfizer vaccine inaasahang darating bago matapos ang Mayo

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nasa 2.2 milyong dagdag na dose ng Pfizer COVID-19 vaccine mula sa COVAX Facility ng World Health Organization ang inaasahang darating sa Pilipinas ngayong Mayo, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez.

Ayon kay Galvez, nasa kalahati ng mga dadating na dose ay ipapamahagi sa National Capital Region habang ang kalahati ay sa Cebu at Davao.

"'Yong ibang areas, they are not ready. 'Yong ating ultra cold facility, nakasentro lang 'yan sa Metro Manila, Cebu at Davao," paliwanag ni Galvez.

Nasa -70 degrees Celsius kasi ang temperature requirement para sa pag-iimbakan ng Pfizer vaccines.

ADVERTISEMENT

Noong Lunes dumating ang paunang 193,050 dose ng Pfizer vaccine, na ipinamahagi at sinimulan nang gamitin sa Metro Manila, Cebu at Davao.

Samantala, nakatakda namang i-deliver sa Hunyo ang 70,000 doses o 1 porsiyento ng kabuuang 7 milyong dose ng Moderna COVID-19 vaccines na binili ng pribadong sektor.

"As soon as it arrives, we want to start inoculation right away. The cost of vaccines is immaterial compared to the loss in the economy. That's why we need to ramp up vaccination," ani International Container Terminal Services Inc. (ICTSI) Chairman Enrique Razon.

Ipinapanukala ng ICTSI ang pagtatayo ng mega-vaccination facility sa reclaimed land na pag-aari ng Nayong Pilipino Foundation.

Nagpaliwanag din ang gobyerno kung bakit kahit dumating na sa Pilipinas ang dagdag na vaccine supply ay nagtatagal pa sa pagdadala nito sa mga lokal na pamahalaan.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Galvez, sa Sabado pa kasi darating ang certificate of analysis (COA) na kailangan bago i-deploy ang 1.5 milyong dose ng Sinovac vaccines na dumating noong nakaraang linggo.

"We cannot deploy as long as we don’t receive ‘yong COA," ani Galvez.

"Ito po ay para masiguro na kapareho ng kalidad o quality 'yong latest batch ng Sinovac na nakuha natin... mayroong mga proseso na dapat pagdaanan," paliwanag naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ayon pa kay Galvez, nag-iingat din ang gobyerno sa pag-transport ng mga bakunang nangangailangan ng mas malamig na storage requirement para hindi masira ang mga ito.

Tiniyak naman ni Galvez na walang masasayang na COVID-19 vaccine sa gitna ng mga pagdududang kayang ubusin ang 1.5 milyong dose ng Astrazeneca vaccines bago ma-expire sa Hunyo.

ADVERTISEMENT

"Talagang irresponsible 'yong comment eh. That will create panic and it will paint a negative picture sa implementers," ani Galvez.

"Nakita namin 'yong mga LGU (local government unit), uhaw na uhaw sa vaccine. Pagka binigay mo, mauubos kaagad ‘yan," dagdag niya.

Dumiskarte na rin ang ilang LGU para mapabilis ang rollout ng AstraZeneca vaccine, tulad ng pagpayag na mag-book ng schedule kung kailan babakunahan ang residente sa halip na sila ang ite-text ng schedule.

Sa Quezon City, posible namang magamit simula Sabado ang Smart Araneta Coliseum bilang mega vaccination site ng lungsod.

Pahahabain naman ng Maynila ang oras ng pagbabakuna.

ADVERTISEMENT

Inihayag naman ni Mayor Abby Binay na dadagdagan ang mga vaccination site sa Makati mula sa kasalukuyang 19.

Target ng Pilipinas na mabakunahan ang 70 milyon ng populasyon bago matapos ang taon para makamit ang herd immunity.

Sa huling tala, umabot na sa 2.5 milyon dose ng COVID-19 vaccine ang na-administer.

-- Ulat ni Vivienne Gulla, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.