Iloilo City may P2,000 ayuda sa mga miyembro ng LGBT community | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Iloilo City may P2,000 ayuda sa mga miyembro ng LGBT community

Iloilo City may P2,000 ayuda sa mga miyembro ng LGBT community

Regi Adosto,

ABS-CBN News

Clipboard

Magbibigay ang lokal na pamahalaan ng Iloilo City ng P2,000 ayuda para sa mga miyembro ng LGBT community upang matugunan ang kanilang pangangailangan sa gitna ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon kay city Mayor Jerry Treñas nitong Lunes.

Sa Facebook post ng alkalde, paraan ito upang matulungan ang mga miyembro ng komunidad laluna ang mga mula sa informal sector at walang employer.

Nabuo ang inisiyatiba dahil sa hirap na dinaranas ng LGBT community sa lungsod katulad na lamang ng dance instructor na si Banji Brillantes.

Aniya, nakansela ang lahat ng kanyang events dahil sa banta ng COVID-19 at naglalako na lamang siya ngayon meryenda para kumita.

ADVERTISEMENT

Hindi rin siya nakatanggap ng ayuda mula sa Social Amelioration Program dahil hindi siya napasama sa mga target beneficiary lalo pa't wala siyang pamilya.

Maglalaan ng P500,000 para sa ayuda at may bilang na 250 paunang benipersaryo ang lokal na pamahalaan.

Para sa mga nais makakuha ng ayuda, maaaring bumisita sa LGBT Affairs Office ng lungsod.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.