2 sundalo, patay sa engkwentro sa Camarines Sur | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 sundalo, patay sa engkwentro sa Camarines Sur

Rona Nuñez,
ABS-CBN News
Published May 13, 2018 10:27 PM PHT
|
Updated May 13, 2018 10:28 PM PHT

RAGAY, Camarines Sur - Patay ang dalawang miyembro ng Philippine Army sa engkwentro sa mga umano'y miyembro ng New People's Army (NPA) sa Barangay Salvacion sa bayan ng Ragay sa Camarines Sur Linggo ng umaga.

Sunod-sunod na putok ang narinig ng mga residente ng barangay nang magkasagupa ang mga pinaniniwalaang miyembro ng NPA at mga miyembro ng 96th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Dalawang sundalo ang napatay sa insidente, kasama na ang mismong team leader ng grupo.

Newly activated unit ng militar sa Camarines Sur ang 96th IB. Nakatoka silang augmentation force sa mga malalayong lugar ngayong elesyon.

ADVERTISEMENT
Nagsasagawa sila ng clearing operations nang maka-engkwentro ang NPA.

Agad namang nagkaroon ng hot pursuit operation ang mga militar, at pagkaraan ng mahigit isang oras, muling nagkasagupa ang dalawang grupo sa katabing barangay.

Dahil sa eleksyon at mga insidente ng engkwentro at pananambang, kasalukuyang naka-red alert status ang militar.

Nitong Huwebes ng gabi, isang sundalo rin ang namatay sa pananambang ng NPA sa Barangay Pag-oring Nuevo sa bayan naman ng Libmanan.