Higit P4.4-M halaga ng marijuana sinira sa nadiskubreng taniman sa Cebu City | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Higit P4.4-M halaga ng marijuana sinira sa nadiskubreng taniman sa Cebu City

ABS-CBN News
Published May 12, 2021 06:52 AM PHT
|
Updated May 12, 2021 07:09 AM PHT

Pinagbubunot mula sa taniman ang nasa 11,200 na halamang marijuana na nadiskubre sa kabundukan sa Cebu City Lunes.

May lawak na 800 square meters ang plantation na pinuntahan ng mga pulis at Philippine Drug Enforcement Agency sa Sitio Sampinitan, Barangay Tagba-o.

Over 11,000 or more than P4.4-M worth of marijuana plants discovered at a plantation in a mountainous area in Bgy. Tagba-o, Cebu City were destroyed by burning on the site
📸:PNP/Cebu 1st PMFC/PDEA 7 pic.twitter.com/nGk8KdqaUD
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) May 11, 2021

Tinatayang may halagang P4.48 milyon ang mga nasabat na fully grown marijuana plants.

Ayon sa 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) ng Cebu Police, kinumpirma ng isa nilang impormante ang pagtatanim ng mga pinagbabawal na halaman sa lugar.

Sa joint eradication operation na pinangunahan ng SWAT-PNP Drug Enforcement Group Special Operations Unit 7 kasama ang PDEA Regional Office 7, sinira na rin sa lugar ang mga marijuana matapos imbentaryuhin.

Sabi ng pulis, sinunog sa site ang mga halaman dahil sa hirap na ibaba pa ang mga ito. Nagdala na lang ng ilang sample para sa laboratory examination.

Hindi naman naabutan ang tinuturong nagtanim ng mga ito na si Boy Ardimer pero pinaghahanap siya at sasampahan pa rin sa kaso. — Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News